Kay Sarap Maging Bata!

Nakaka-miss maging bata! Habang nagmumuni, naalala ko lang noong Elementary palang kami. Bumabalik-balik parin ang mga masasayang alaala ng kahapon bilang mumunting bata.

Ang sarap nu’ng sopas na tinitinda ng canteen sa halagang tatlumpiso, na kukunin ng mga naka-assign sa araw na yun! At syempre, kung sino rin ang kumuha ay sila rin ang maghuhugas ng cups.

Pagdating ng recess, mayroon din kaming dalawang kaklase na naka-assign sa pagkuha at paglako sa loob ng klase ng “tray” na galing sa canteen ang mga tinda. Palagi kong binibili dun yung tag-limampisong chocolate cake o kaya naman yung tikoy. Kasabay niyan, may mga lalakeng kaklase rin kaming kukuha ng orders kung gusto mong mag-softdrinks. Ang saya!

Uwian na pero kami, nagpapaiwan dahil maglilinis pa ng classroom. Pagkatapos naman ay magpapraktis na kami ng sayaw o kaya kanta, depende sa okasyon kada buwan. Naalala ko pa yung na-compose kong kanta for Nutrition Month na isinali namin sa isang competition. “Bakit Bata?” ang title ng kanta, pinalitan ko lang ang lyrics ng kanta ng Sexbomb na ” Bakit Papa?” Kwento ito ng batang ayaw kumain ng gulay. Luckily, nanalo kami ng 1st Place!🙂

Naalala ko pa, maaga kaming pumapasok kapag kami ang nakatoka sa paglilinis sa corridor. Patingkaran talaga ng sahig nun! Parang may competition lagi! Todong kayod ng bunot kahit babae para lang mapakintab sa pula ang sahig namin. Fulfillment lang ang katapat kumbaga, dun kami masaya eh.

Nung sumapit naman ang ikahuling taon namin sa Elementary, madalas kaming magpraktis ng Marimba, kami kasi ang tutugtog ng Pambansang Awit at Lungsod Quezon Hymn sa Graduation day namin.

Walang limitasyon ang pagod namin dati bilang walang arte sa katawan at wala pang responsibilidad. Ngayon, nakaka-miss lang talaga na maging bata. Yung uuwi ka mula sa kalye, ang dumi-dumi mo pero masaya kang kakain ng hapunan at matutulog ng mahimbing dahil sa sobrang pagod kakalaro.

Champion pa kami palagi sa paglalaro ng Chinese Garter o kaya naman 10-20. Na-try ko ring maglaro ng Luksong Baka/Tinik pero parang panlalake kasi kaya pinaubaya ko na sa iba. Jackstone? Naku, magaling din ako dyan! Nagdadala pa kami niyan sa klase para kapag walang teacher, maglalaro kami.

Nakakalungkot lang sa ngayon, na imbes na mga larong pagpapawisan ang mga bata, ayun sila at nasa sulok, naglalaro ng computer games, laptop, etc. Sasakit na ang ulo nila, ang susungit pa kapag inawat mo na sa laro nila para kumain.

Recently, may 17 y/o na lalake na ‘di sinasadyang napatay ang lola niya dahil pinagalitan siya kakalaro ng computer games. Nakakalungkot.😦

Sana habang bata pa, enjoyin nila, hindi yung nagmamadali silang magdalaga at magbinata. Masarap maging bata sa totoo lang.

Ngayon, hawak nila ay mga bagay na nakakapagpatanda sa kanila. Akala nila masayang tumanda nang hindi na-eenjoy ang pagkabata. Sa isang sulok, nagtetext, may ka-chat sa FB, etc.

Ang bente (P20) na baon namin nung high school, pan-load nalang nila ngayon, kulang pa nga yata. Ang oras namin noon sa paggawa ng assignments, oras ng galaan nila ngayon.

Everything has changed, ika nga nila. Pero ako, proud na batang 90s. Sarap eh! Nandiyan ang mga larong “Teks” na may prints ng favorite cartoon character mo, Jackstone sa mga babae, Patintero na para sa lahat, Trumpo, Taguan Base, atbp.

Simple lang naman maging masaya noon, at mga simpleng bagay at laro lang din ang katapat. Hay… Kay sarap maging bata!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s