Taong Kalye (TaKal)

Laman ako ng kalye ilang araw na ang nakaraan. Hindi para gumala, kundi para sa napakahalagang bagay – NEGOSYO.

Hindi ako pala-labas na tao, kumbaga taong bahay. Pero dahil sa negosyo namin, gabi-gabi akong laman ng kalye.

Sa wakas, bukas narin ang Paresan namin. Pinangalanan namin itong “Pam’s Pares To Go!” Nagpasadya kami ng cart para dito.

Image

Pam’s Pares To Go cart, designed and made by ArtCart (located in Project 4, Quezon City).

Bakit Pares? Ewan ko rin. Gawain ko ngayon, pag-uwi ko galing opisina, dadaan muna ako sa tindahan namin. At siyempre hindi ako makatiis na hindi ito makita kaya imbes na magpahinga at i-enjoy ang bagong bili naming flat screen TV, mas pinipili kong magbantay ng tinda namin, at ‘yun na! Lagi na akong makikita sa labas na normally hindi ko ginagawa. Nasanay kasi akong hindi maglagi sa labas, takot ko lang sa Kuya ko na conservative (ayaw kasi niyang nakikitang gumagala o lumalabas pa ng gabi ang mga babae).

Ok, so back to business na muna. Nang mag-opening na kami, ang itininda namin ay “mami” muna. At infairness sa kita ah, may future!

Image

Pam’s Mami (combination of beef, chicken, siomai and egg) for only P55.00

Isa pang factor, masarap ang timpla ng mami ng Pam’s, at bukod sa masarap na eh mura pa, P25.00 lang kumpara sa iba na P40.00 (ang mahal!) Masarap talaga dahil ang nagluluto ay dating cook ng Chowking – si Kuya Ronald, asawa ng ate ko. Sabi nga nila, yun nalang ang i-pursue namin dahil maraming naghahanap.

Image

Si Kuya Ronald habang nagtitinda..

Pero dahil nga Pares ang business namin, we tried it for two days. Beef Pares ang ginawa ni Kuya Ronald, hindi niya kasi gamay yung Mami Pares.

Image

Pam’s Beef Pares! Yum yum yum!!!

Image

But eventually, binalik din namin muna sa mami lang, marami rin kasing naghahanap nito. God bless our business!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s